Saturday, February 4, 2012

Binigay dahil bagay



Madalas kong idasal mga bagay
na sa akin ay gustong maibigay.
Tulad ng kasintahan
matangkad, mabait, matalino at may kagwapuhan.

Madami din naman na sa akin ay pina try.
Meron isa nagustuhan kong tunay
Pati sa Lola ko may regalong binibigay.
May dumating din na todo ang kagwapuhan
sabi ng Lola ko niloloko ka lang nyan!

Meron din isa na mala Adonis ang katawan
pero dahil gwapo ako'y naagawan.
May matiyaga at matalinong tunay na minahal
Dahil sa marami nya pang katangian
Pero sya ang may ginawa na di ko nagustuhan.

Pagkatapos akala ko dumating na ang prince charming ko
Pero si Lord minsan mapagbiro
Pumasok ng seminaryo kaya ako ay nabigo.

Dumating isang tao
Sabi ko di ko sya gusto.
Dalawang beses na sinabi ko
Tigilan mo na ako
Sadyang mapilit itong isang ito
Sabi nya di sya titigil
Hanggang magustuhan ko.

Dasal ko ay iniba ko para ako'y di na mabigo
Pahingi po ng mabuting tao na mamahalin ako.

May mga bagay na sa atin ay di binibigay
Dahil Diyos ang may alam kung sino sa atin ang bagay
Salamat po sa mabuting esposong sa iyo'y ibinigay.

Happy Birthday Daddy! (Rafael Lasaten Jr.)