Sunday, May 12, 2013

Ang sarap pala ng maging Ina.

Nuon ang sabi nila masarap maging Ina
Yan ang laging sabi ng aking Lola
Pero iba pala talaga pag naranasan mo na
Iba ang saya pag pangarap ng iyong anak nakakamit nya

Siyam na buwan na pagpapractice
ng gymnastics tiniis nya
Lagi kong bilin
Nica mag-ingat baka masaktan ka

Isang araw bago ang competition nya
nag track and field pa!
Sabi ko ano ka ba baka mapagod ka
Pinaghirapan mo ng siyam na buwan baka
mapunta sa wala, last na yan pwede ba?

Pag-uwi nya sabi nya
Mommy may isa pa
Sa Regionals ako ay nakasama
Track and High Jump ako ay uulit pa

Dalawang oras lang sya nagpahinga  
kailangan pa pumunta sa huling ensayo nya 
para sa araw na mas pinaghandaan nya.
Habang kami ay nanuuod ng kanyang Ama
bakas namin sa kanyang mukha, sya ay frustrated na
dahil "routine" nya di nya pa magawa ng tama

Sa isang sulok kinakausap sya ng coach nya
Paulit ulit na pinapagawa sa kanya
Kitang kita namin na gustong gusto nya makuha ang medalya
Sabi nya pa nga sana gold ang maiuwi nya
Dahil sya ay masaya dahil perfect na!

Ang kanyang routine nagawa naman nya
pero may mga steps na nakalimutan nya
Kaya sa kanyang performance di sya masaya
Sabi nya Mommy sorry ha ito lang aking nakuha
Sabi ko anak sa akin ay bonus na silver na medalya
Ikaw ay ginto na matagal ko ng kasama.

Happy Mother's Day to all mothers who are blessed with wonderful children.