
Tim : Mommy , ayaw ko na nga pala maging Pilot.
Me : Bakit naman?
Tim : Kasi pag yung mga birds pala pumasok dun sa parang electric fan ng plane mag kacrash eh. Baka ako pa sisihin ng tao.
Me : Hindi hi-tech na ngayon iba na design ng planes.
Tim : Yun kasi sabi sa Discovery Chanel, kaya iba na lang.
Me : Cge, ano kaya Doctor?
Tim : Ayoko makakita ng patay... magsabi ka pa ng iba para pipili ako...
Me : Lawyer?
Tim : Ayaw
Me : Engineer
Tim : Malaki ba sweldo nun?
Me : Ewan, siguro
Tim : Teacher kaya pero math & computer lang
Me : Naku di pwede yun dapat magaling ka sa lahat....
Tim : Alam ko na yung katulad kay Daddy!
Me : Ano ba si Daddy?
Tim : SALESMAN!
Me : Ano ba trabaho ng salesman?
Tim : Basta ! Kahit ano binebenta!
Before going to bed.... I normally make lambing to the kids... alternate sila to give me a back massage.
Me : Tim na miss ko na masahe mo.
Tim : Sige Mommy, ok ba sa yo may bayad?
Me : Bakit naman?
Tim : Syempre nakakapagod sa kamay yun!
Me : Deadma...
Tim: counting 1 to 60.... loud enough for me to hear
Me : Ang ingay mo naman, di ko marining ang TV
Tim : Wag mo nalang ako pansinin.
Me : (after around 8 min) Ang sarap naman, OK na Tim
Tim : Ang tagal nun Mommy pero para sa yo P5 na lang!
SOLD! I ended up paying P5. Pwede nga mag salesman!
No comments:
Post a Comment